Pol-Whores scandals

KORINA SANCHEZ, MORALLY UNHEALTHY?

Posted on: January 4, 2010


Nararapat ba siyang tumayo bilang maybahay ng susunod na pangalawang pangulo

Mga paratang kay Korina

Sa mga nagdaang taon, sari-saring isyu na ang ibinato sa beteranang broadcaster na si Korina Sanchez. Ilan dito ang diumano’y pagmamaltrato niya sa kanyang mga katulong. Hindi man kapani-paniwala, paano nangyaring nagkaroon ng lakas ng loob ang kanyang mga kasambahay na magsampa ng reklamo laban sa kanya?

Isa na rito si Bernardita Inocencio, 42, dating kasambahay ni Korina. Inakusahan ng nasabing katulong ang journalist ng pambubugbog at hindi pagre-remit ng SSS contributions. Pinatunayan naman ito ng SSS sa inisyu nilang certification. Ayon sa SSS section head na si Charisse Castro, si Inocencio nga ay may coverage sa SSS para sa December 2000, ngunit nabayaran lamang iyon ni Sanchez noong January 3, 2002. Nagbayad lamang daw si Korina matapos ang magsampa ng kaso ang kampo ni Inocencio laban sa kanya, ayon sa abugado ng nagrereklamo na si Atty. Mel “Batas” Mauricio. Wala na rin daw halaga ang nasabing pagtugon dahil ang “krimen” ng hindi pagbabayad ay naisagawa na, dagdag pa ni Mauricio.

Maliban sa hindi pagbibigay ng SSS contributions, inakusahan din ni Inocencio si Sanchez at ang kanyang sinasabing kasintahan na si Paul Aquino ng pambubugbog. Nangyari daw ang pagmamaltrato sa condo unit ni Aquino kung saan nag-part time daw si Inocencio. Ayon sa katulong, sinaktan daw siya ng magkasintahan matapos siyang magpaalam na aalis na sa kanilang poder bilang kasambahay. Samantala, pinabulaanan naman ni Sanchez ang bintang at inakusahan naman si Inocencio ng pagnanakaw ng kanyang mamahaling bracelet.

Sa nasabing isyu, hindi talaga malalaman kung sino ang nagsasabi ng totoo, si Korina Sanchez ba na isang broadcaster at kilalang tao, o si Bernardita Inocencio na isang kasambahay na naghahangad lamang kumita para mabuhay ang pamilya? Hindi rin maituturing na kung anuman ang kinahinatnan ng imbestigasyon ay iyon din ang totoong nangyari. Kung walang magsasabi ng tapat at totoo, tanging Diyos lang ang nakakaalam noon. Bilang isang public figure, natural lamang na ipagtanggol ni Korina ang sarili laban sa mga hindi magagandang akusasyong idinidikit sa pangalan niya. Bilang isang katulong, ano naman ang mapapala ni Inocencio kung gumagawa nga lang siya ng ingay? Aanhin naman niya ang publicity? Hindi naman siya artista o pulitiko.

Mar Roxas bilang Bise Presidente

Kamakailan lamang ay ikinasal sina Korina Sanchez at Mar Roxas na isa sa mga kandidato sa pagkapangalawang pangulo. Idinaos pa nga ng dalawa ang proposal sa isang noon-time show. Ito ba ay upang pakiligin ang sambayanan? O parte na ito ng kanilang kampanya para sa nalalapit na eleksyon?

Sa kabilang banda, nararapat ba si Mar para kay Korina, at si Korina para kay Mar? Hindi kaya ang pagpapakasal niya kay Korina ang magdadawit sa kanyang pangalan sa mga eskandalong kinasasangkutan ng newscaster? Hindi yata magandang tingnan na ang susunod na pangalawang pangulo ay palaging nasasangkot sa mga gulo ng kanyang asawa. Malaki rin ang magiging impluwensiya ni Korina kay Roxas. Maaaring maapektuhan nito ang pamamalakad ng asawa sa kanyang  bayan. Kung nananakit na si Sanchez, ano pa kaya kapag ang asawa niya ay naluklok na sa puwesto? Hindi malabong maging isa si Roxas sa mga pulitikong mapagsamantala sa kapangyarihan dulot ng kanyang asawa.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: